ZAMBOANGA CITY – Isang 21-anyos na lalaki ang dinakip ng pulisya dahil sa umano’y panggagahasa sa bilas sa Zamboanga City.
Sinabi ng pulisya na nahaharap sa kasong criminal si Jeonard Cepida kung mapapatunayan sa korte ang akusasyon ng kanyang 16-anyos na biktima na kapatid naman ng asawa ng kanyang utol.
Nadakip si Cepida matapos na mag-reklamo ang dalagita sa sinapit sa kamay ng suspek kamakalawa ng gabi sa Camanchile Drive sa Nuñez Extension. Pinuwersa umano ng suspek ang babae.
Kasalukuyangn nakapiit ang lalaki sa kulungan habang inihahanda ang kasong rape laban sa kanya. Hindi naman ito nagbigay ng pahayag at maging ang kapatid nito ay tikom rin ang bbig. (Mindanao Examiner)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper