PAGADIAN CITY – Isang dalagita na inulat na nawawala sa bayan ng Bayog sa Zamboanga del Sur ang natagpuan, ngunit isa na itong malamig na bangkay – ginahasa at saka sinaksak sa leeg hanggang sa mapatay.
Ayon sa pulisya, isang government militia ang nagsumbong sa awtoridad na may natagpuang bangkay sa Miswe Creek sa Barangay Depore at doon ay nakilala itong si Rosely Domandos, 15.
Base sa salaysay ng pamilya, huling kasama ni Rosely si Julito Sabini, 21, na siyang nagyaya sa biktima na manghuli ng alimango doon. At ito rin ang huling pagkakataon na nakitang buhay ang dalagita.
Sa pagsusuri ng Bayog Municipal Health Unit ay nabatid na ginahasa ang biktima at may saksak rin ito sa leeg at sugat sa kanyang noo. Wala rin saplot ito sa katawan ng matagpuan sa creek.
Patuloy ang imbestigasyon sa kaso at pangunahing suspek si Sabini sa naturang krimen, ayon kay PO3 Marichel Belza, ng Women and Children’s Protection Desk sa Bayog. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News