
ZAMBOANGA CITY – Nabasyo ng mga barangay tanod at parak ang isang 46-anyos na lalaki na umano’y nagtangkang humalay sa isang dalagita na masuwerte naman nakatakas sa tiyak na kapahamakan sa Zamboanga City.
Humingi umano ng saklolo sa kanyang pamilya ang 16-anyos na dalagita matapos itong makaalpas sa suspek na kinilala naman ng pulisya na si Guadalupe Juaton.
Base sa salaysay ng babae, natutulog ito sa isang kiosk stand sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Patalon ng magising sa tangkang panghahalay ng matanda kamakalawa ng madaling araw.
Agad rin naaresto ang suspek sa isinagawang operasyon ng mga tanod at parak matapos na dumulog ang pamilya ng dalagita sa pulisya upang i-reklamo ang lalaki.
Sasampahan umano ng kaso si Juaton na hindi nagbigay ng anumang pahayag sa loob ng kanyang karsel. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com and http://www.mindanaoexaminer.net
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com and http://www.mindanaoexaminer.net