
CAGAYAN PROVINCE (Mindanao Examiner / Jan. 10, 2013) – Pinagsasaan umano ng sariling amo ang isang dalagitang kasambahay at nabuko lamang ito ng magkaroon ng lakas ng loob ang 150-anyos na biktima na magsuplong sa mga awtoridad.
Pormal ng kinasuhan sa Department of Justice at ng Women and Children’s Desk ng Cagayan Police Office ang isang 24-anyos na suspek dahil sa naturang reklamo ng biktima na diumano’y pauli-ulit siyang ginahasa at pinagbantaang papatayin kung magsusumbong kanino man.
Nabatid na empleyado ng isang construction firm ang suspek. Naganap ang panghahalay sa bahay ng suspek sa bayan ng Abulug.
Ayon sa pulisya, nagsimula ang panghahalay sa kwarto mismo ng biktima noong Nobyembre ng nakaraang taon at ang pinakahuli umano ay ito lamang Enero 4 habang wala ang asawa ng suspek.
Dahil sa pagmamalupit at panghahalay ng suspek ay naglakas-loob na ang biktima na magsubong sa awtoridad para matigil na ang ginagawang pambababoy sa kanya ng sarilin amo. (Francis Soriano)