Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Uncategorized
  • Dasal alay sa mga biktima ng Maguindanao massacre; pangako ni Mangudadatu, iba pa nasaan na?
  • Uncategorized

Dasal alay sa mga biktima ng Maguindanao massacre; pangako ni Mangudadatu, iba pa nasaan na?

Editor November 23, 2013
20091124093752_2

Ang mga bangkay ng 58 kataong walang awang pinaslang sa bayan ng Ampatuan sa lalawigan ng Maguindanao noong Nob. 23, 2009. (Mindanao Examiner Photo – Mark Navales)
MANILA (Mindanao Examiner / Nov. 23, 2013) – Panalangin at panawagan sa katarungan ang alay ng media group Alab ng Mamamahayag (ALAM) sa muling paggunita sa tinaguriang Maguindanao Massacre ngayong November 23.

Hiniling din ni ALAM Chairman Jerry Yap na maibigay na ang tulong sa mga naiwan ng 34 na mamamahayag na kasamang nasawi sa nasabing massacre.

“Maraming nangako ng tulong,” ani Yap. “Si Maguindanao Gov. (Esmael) Toto Mangudadatu, na nangakong bibigyan ng livelihood at pag-aaralin niya ang mga anak ng mga nabiktimang journalist. Ewan ko kung ano na ang nangyari sa pangakong iyon.”

Bukod kay Mangudadatu, maraming politiko rin ang nangako ng tulong sa mga naulila ng nasabing mga mamamahayag.

Matatandaang naganap ang tinaguriang Maguindanao massacre noong November 23, 2009, matapos matagpuan ang mga mass graves sa bayan ng Ampatuan sa Mahuindanao.

Binihag at pinatay ang may 58 katao habang patungo si ang convoy ng asawa ni Mangundadatu, sa bayan ng Buluan upang kumandidato laban kay Datu Unsay Ampatuan, Jr., anak ng noon ay kasalukuyang gobernador ng Maguindanao na si Andal Ampatuan, Sr.

Ang mga Ampatuan ay kinikilalang pinakamakapangyarihang angkan ng mga pulitiko sa nasabing probinsya.

Kasama sa mga pinatay ang asawa ni Mangudadatu at dalawang kapatid na babae; 34 na journalists at media workers; mga abugado; aides, at mga motoristang aksidenteng nakakita sa convoy.

Ilan beses rin na umapela ang National Press Club of the Philippines na noon ay nasa pamumuno ni Yap, upang mabigyan ng katarungan ang ang 34 na miyembrong nakasama sa massacre.

“Alam nating lahat na ito ang pinakamatinding pag-atake sa media sa buong kasaysayan ng Pilipinas,” ani Yap. “Dapat lamang silang mabigyan ng hustisya at kumpensasyon.”

Itinuturing ang Pilipinas na ikalawang pinakadelikadong lugar para sa mga mamamahayag, pumapangalawa lamang sa Afghanistan, kung saan may nagaganap na digmaan.

Inaasahan ni Yap na tutuparin ni Judge Jocelyn Solis Reyes ang kanyang pangako na tatapusin niya ang paglilitis sa kasong ito bago matapos ang administrasyon ni Aquino. (Nanet Villafania)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Justice For Maguindanao Massacre Victims; 48 Months Had Passed!
Next: Suspected robber shot in Zamboanga City

Related News

  • Uncategorized

Stop attacks if you want peace talks to resume, Palace to Reds

Editor December 16, 2019
  • Uncategorized

2 NPA rebels yield in South Cotabato

Chief Editor December 6, 2019
  • Uncategorized

Publiko pinagiingat sa mga ‘investment scheme’

Chief Editor November 21, 2019

Trending News

Peace agreement ends longstanding ‘rido’ in Basilan Basilan-Peace-Agreement 1
  • Mindanao Post

Peace agreement ends longstanding ‘rido’ in Basilan

June 17, 2025
Cargill Strengthens Feed Production in Mindanao with Biotech Partnership Cargill-Biotech-Partnership-Photo 2
  • Business

Cargill Strengthens Feed Production in Mindanao with Biotech Partnership

June 17, 2025
PhilHealth’s KonSulTa Program Reaches Zamboanga City Jail: Advancing Inclusive and Preventive Health Care PhilHealth-logo 3
  • Mindanao Post

PhilHealth’s KonSulTa Program Reaches Zamboanga City Jail: Advancing Inclusive and Preventive Health Care

June 17, 2025
Misamis Oriental town receives Balangay Seal of Excellence Misamis-Drug-Free 4
  • Mindanao Post

Misamis Oriental town receives Balangay Seal of Excellence

June 16, 2025
MMDA launches website for NCAP violations Don-Artes 5
  • National

MMDA launches website for NCAP violations

June 16, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.