CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang dating pari matapos itong barilin sa ulo at katawan ng isa sa dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo sa bayan ng Maramag sa lalawigan ng Bukidnon.
Ayon sa ulat ng pulisya, binaril si Teresito Labastilla, 45, sa harapan ng anak kamakalawa sa Barangay North Poblacion. Inihatid lamang nito ang kanyang anak sa Maramag Central School ng madale ng mga hinihinalang hired killers.
Hindi pa malinaw ang motibo sa pamamaslang, ngunit patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.
Walang ibinigay na anumang pahayag ang pamilya ng dating alagad ng Diyos ukol sa malagim na sinapit nito. Tinanggal si Labastilla sa kanyang pagka-pari matapos na magkaroon ng relasyon sa isang babae na kanyang nakatuluyan.
Sinisipat rin ng pulisya king may kinalaman sa personal o ari-arian ang pamamaslang kay Labastilla. Hindi mabatid kung may CCTV sa lugar o wala, ngunit apat na basyo ng bala mula sa .45-caliber pistol ang diumano’y nabawi sa lugar ng krimen. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and https://mindanaoexaminer.com/
Share The News