DAVAO CITY – Alarmado na umano si Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio sa taas ng bilang ng dengue cases doon matapos na pumalo ito sa mahigit 4,000 kaso mula pa nitong Enero.
Umabot na rin sa 25 ang nasawi kung kaya’t pinupukpok nito ng husto ang City Health Office na gawan ng paraan na mapigil ang pagtaas ng kaso ng dengue sa Davao. Nagbabala pa umano ang alkalde na hindi nito ilalabas ang Christmas bonus ng ilang mga empleyado ng CHO kung magpapatuloy ang paglobo ng bilang ng kaso ng dengue.
Nakatuon ang atensyo ni Carpio sa Tropical Diseases Unit ng CHO na siyang may responsibilidad sa pagko-kontrol ng dengue. Naunang nagbabala ito na sisibakin sa puwesto ang ilang empleyado ng CHO kung wala silang magagawa sa pagkalat ng dengue sa mga ibat-ibang barangay.
Ayaw ni Carpio na madagdagan pa ang bilang ng dengue casualties. “We are expecting them to do something to reduce the cases and number of deaths in the next six months. Numbers should be lower than the statistics last year of the same period. I think the tropical diseases unit of CHO will not receive their bonus. I will give their bonus to the families of those who God forbid will die in the next six months,” ani Carpio.
Nanawagan naman ang CHO sa mga residente na panatilihing malinis ang kanilang lugar at itapon ang mga bagay na maaaring pagtirhan ng mga lamok na siyang sanhi ng dengue fever, particular ang mga gulong, lata na may tubig. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper