
DAVAO CITY (Mindanao Examiner / Feb. 23, 2014) – Nagaalok ngayon ng malaking pabuya si Davao Mayor Rodrigo Duterte sa sinumang makapagtuturo ng mga drug pushers o dealers at shabu laboratory sa kanyang lungsod.
Sinabi ni Duterte na maglalaan ito ng P10,000 sa sinuman makapagbibigay ng impormasyon ukol sa mga drug users at isang Crosswind naman ang pabuya sa taong may impormasyon ukol sa mga drug pushers sa Davao.
Isang Montero SUV rin ang ibibigay ni Duterte kapalit ng impormasyon naman ukol sa shabu laboratory sa Davao City.
Sinabi ni Duterte na hindi nito aatrasan ang sinumang nasa likod ng pagkalat ng droga sa lungsod kung kaya’t lalo pang pinaigting ng mga awtoridad ang kampanya kontra shabu at iba pang uri ng droga sa Davao.
May hinala si Duterte na galing sa ibang bansa ang drogang ipinupuslit sa kanyang lugar at possible anyang isinisingit ito sa mga smuggled rice. Ngunit wala naman ulat ang militar ukol sa hinala ni Duterte.
Kamakailan lamang ay 7 hinihinalang drug pushers at users ang napatay matapos umanong manlaban ang mga ito sa mga alagad ng batas sa Barangay Ilan. Magsisilbi sana ng search warrants ang mga parak sa lugar dahil sa balitang mag drug dens doon ng sila’y ratratin ng nga biktima na pawang mga Muslim, ayon sa pulisya. (Mindanao Examiner)