DAVAO CITY – Nag-alok si Davao City Mayor Sarah Carpio ng P2 milyon pabuya sa sino man makakapagturo sa kung sino ang nasa likod ng madugong pambobomba roon na ikinasawi ng 14 katao at pagkasugat ng mahigit sa 60 iba pa.
Sinabi ni Carpio na ang pondo ay galing sa lungsod ng Davao at umaasa itong makakatulong ang pabuya upang matunton at madakip ang nasa likod ng atake sa night market sa Roxas Avenue kamakailan lamang.
Nabatid na isang lalaki ang nag-iwan ng backpack matapos itong magpamesahe ng saglit sa night market. Hinahanap rin ang 1 pang lalaki at 2 babae na kasama nito. Nakunan pa ng mga CCTV sa lugar ang naturang grupo.
Sinabak na rin sa puwesto si Davao City police chief, Senior Supt. Michael John Dubria at Task Force Davao commander Lt. Col. Henry Robinson, ng Philippine Army, dahil sa naganap na pambobomba.
Hindi pa mabatid kung sino ang papalit sa dalawang opisyal. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper