
DAVAO CITY (Mindanao Examiner / May 9, 2012) – Niyanig kahapon ng lindol ang lalawigan nng Davao Oriental sa Mindanao, ngunit wala naman inulat ang mga awtoridad na mga nasaktan o nasirang mga gusali at kabahayan.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay natunton ang sentro ng lindol halos 150 kilometro mula sa bayan ng Tarragona.
Naitala ang pagyanig dakong alas 12.34 ng hapon at sinasabing halos 34 kilometro ang lalim ng pinagmulan ng lindol at may lakas itong 5.1 sa Richter scale.
Nagkaroon rin ng pagyanig dakong madaling sa bayan ng Baganga sa naturang lalawigan at pumalo naman ito sa 4.9 magnitude.
Ang Pilipinas ay napapaloob sa Pacific “Ring of Fire” dahil sa dami ng mga underwater volcanoes sa ilalim ng karagatan ng bansa na siyang pangunahing dahilan ng mga pagyanig sa ibat-ibang lugar. (Mindanao Examiner)