
DAVAO CITY (Mindanao Examiner / Mar. 1, 2013) – Kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines sa Davao City ang pananakit ng pulisya sa mga hanay ng media na nagko-cover sa protesta ng mga biktima ng nakaraang bagyo sa harap ng Department of Social Welfare and Development.
Sinabi ng NUJP na sinaktan umano ng mga parak si Karlos Manlupig habang nagko-cover ito sa barikadang isinagawa ng mga sibilyan na biktima rin ng pananakit. Kinondena rin ng NUJP si Davao City police chief, Senior Supt. Ronaldo dela Rosa, sa diumano’y pagiging arogante nito sa media .
Nabatid pang ipinagtulukan ng mga parak si Manlupig at ayon sa pahayag ng NUJP ay binastos pa diumano ni Dela Rosa ang mamamahayag.
“To add insult to injury, PNP Davao Chief dela Rosa scolded Manlupig in public, saying, you’re in a middle of a commotion, so don’t expect special treatment,” wika ng NUJP sa pahayag na ipinadala nito sa Mindanao Examiner.
Maging ang reporter na si Irene Dagudog ay pinagbalingan rin ni Dela Rosa. “Dagudog tried to get an interview with the police chief but he instead confronted her and asked, are you neutral? If you blush, you are not.”
“Such arrogance and disrespect by dela Rosa towards members of the press is condemnable. His attitude is reflective on the whole Davao City police personnel who actually treated people in the same manner as they beat up the barricaders indiscriminately including women and children. There were accounts that police even fondled and stripped women protesters,” dagdag pa ng media watch dog.
Pinagsisipa at pinagpapalo rin ng mga parak ang mga nagpo-protesta at maging babae ay huindi pinatawad.
Nagsagawa ng protesta at barikada ang mga sibilyan dahil sa umano’y pangiiit ng DSWD sa mga relief goods na nakalaan sa mga biktima ng bagyo sa Davao Oriental at Composteka Valley. (Mindanao Examiner)