Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Uncategorized
  • Demolisyon sa Q.C at Muntinlupa kinondena!
  • Uncategorized

Demolisyon sa Q.C at Muntinlupa kinondena!

Editor July 26, 2013
Fist

 

QUEZON CITY (Mindanao Examiner / July 26, 2013) – Kinondena ng Alyansa Kontra Demolisyon o AKD ang dalawang magkasabay na demolisyon ng mga tahanan sa Quezon City at Muntinlupa na bahagi umano ng tumitinding giyera laban sa maralita ng administrasyong Aquino at nagbabala sa banta ng mga sunod-sunod na mga demolisyon sa darating na mga araw.

Tinatayang 50 pamilya ang nawalan ng tahanan sa Carmina Compound sa Muntinlupa. Samantala, anim na pamilya ang naapektuhan ng demolisyon sa Phase 8, North Fairview, Quezon City.

Pito umano ang inaresto sa nasabing demolisyon. Inulat ng mga lokal na homeowners’ association na walang inalok na relokasyon at piyansa para sa mga nawalan ng tahanan.

“Karumal-dumal ang ginawa sa mga maralita ng Carmina at North Fairview ngayong araw na ito. Higit pa ito sa human rights violation kasi di na sila tinatratong mga tao” ani Carlito Badion, tagapagsalita ng AKD, sa pahayag nito sa Mindanao Examiner.

“Mahilig ikumpara ni Pangulong Noynoy Aquino sa mga nakaraang presidente para magmukha siyang mabuti, pero kung ikukumpara lang, si Aquino ang may pinaka-masahol na trato sa aming mga maralita. Para kaming mga dayuhan na gine-gera para mapalayas kahit na mga Pilipino rin kami” dagdag pa ni Badion.

Ayon kay Badion, naghahanda na silang magsampa ng mga kaso laban mismo kay Aquino, kasabay ng patuloy na pagtatayo ng mga barikadang bayan, para pigilan ang mga sumusunod pang demolisyon.

Samantala, nagbabala si Badion sa pagpapatindi ng giyera laban sa maralita sa mga sumusunod na araw pagkatapos i-anunsyo ng Quezon City LGU na maaari ng gibain ano mang araw ang mga komunidad ng maralita sa kahabaan ng Agham Road, Payatas, West Kamias, at Old Balara.

“Muli naming iginigiit: hangga’t hindi tinutugunan ng gobyerno ang usapin ng kabuhayan, wala itong karapatang tanggalan ng tirahan ang maralita. Katumbas ito ng kamatayan para sa mga Pilipino na naghihikahos na sa kahirapan dahil sa mga nagtataasang presyo ng bilihin sa ilalim ng administrasyong Aquino” ani Badion.

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Shop employee arrested in Zamboanga City
Next: Documentary Film: Hustisya 2013 (Philippines)

Related News

  • Uncategorized

Stop attacks if you want peace talks to resume, Palace to Reds

Editor December 16, 2019
  • Uncategorized

2 NPA rebels yield in South Cotabato

Chief Editor December 6, 2019
  • Uncategorized

Publiko pinagiingat sa mga ‘investment scheme’

Chief Editor November 21, 2019

Trending News

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress BLT-1 1
  • Business
  • Featured

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

May 22, 2025
Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025 PagIBIG-Housing-Loan 2
  • National

Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025

May 22, 2025
Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country Innovation-Day-2025-Schneider1 3
  • Business

Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country

May 21, 2025
Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs Marawi-IDP 4
  • Mindanao Post

Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs

May 21, 2025
DSWD aids Filipinos returning from Sabah DSWD-aids-Filipinos 5
  • Mindanao Post

DSWD aids Filipinos returning from Sabah

May 21, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.