Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • DepEd, tinawag na sinungaling!
  • Featured
  • National

DepEd, tinawag na sinungaling!

Chief Editor May 21, 2015

MANILA – Binatikos ng SALINLAHI Alliance for Children’s Concerns ang diumano’y kabiguan ni Education Secretary Armin Luistro na abutin ang target na 18,883 karagdagang classroom nitong taon bilang bahagi ng implementasyon ng K-12 program.

“Nagkumahog ang DepEd na ipatupad na ang K12 program dahil diumano’y handa sila, pero katulad ng nakaraang mga taon bigo itong gampanan ang kanilang tungkulin sa takdang panahon. Ilang estudyante lang ba ang kayang pumasok sa 7,051 na classroom na kanilang pinagmamayabang na naitayo? Saan ipagsiksikan ang mga mag-aaral, lalo na ang mga tutuntong ng senior high school sa susunod na taon? Bakit ayaw pa kasing tanggapin ng DepEd na hindi pa sila handa para sa programang K12,” ani Kharlo Manano, pangkalahatang kalihim ng SALINLAHI, isang alyansa ng 24-organisasyong pambata.

Isa rin sa ikinakatakot ng grupo ang mga balitang wala pa ring Teaching Guide at mga libro ang mga guro na magtuturo ng K12. Ayon pa sa SALINLAHI, sa kanilang paglilibot sa mga eskwelahan ng Marikina, agaw-atensyon ang mga tarpaulin na nakasaad ang mga katagang “Sa K12 handa kami” na nakasabit sa mga eskwelahan pero ayon na rin mismo sa inilabas na listahan ng DepEd ay 3 eskwelahan  lang sa Marikina ang nakahandang ipatupad ang Senior High School.

“Nakakalungkot dahil mukhang mga tarpaulin at announcements lang nila ang handa sa K-12, kabaliktaran ito kung ang pagbabatayan natin ay ang tunay na kalagayan ng mga eskwelahan mula sa pasilidad, kagamitan hanggang sa kahandaan ng mga guro”, dagdag ni Manano.

Sa darating na Mayo 29, lalahok ang grupo sa isang caravan na iikot sa mga eskwelahan sa Metro Manila upang ipanawagan ang pagpapatigil ng implementasyon ng programang K12.

“Hindi bulag o bingi ang mga magulang at ang mamamayan, alam nila mismo na hindi handa ang DepEd sa K12 at  gusto nilang ihinto ang pagpapatupad nito dahil anila, dagdag pahirap ito sa kanila at hindi malinaw ang kinabukasan ng kanilang mga anak sa naturang programa”, pagtatapos ni Manano. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News

 

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Suspected Sabah kidnapper killed in Philippine clash
Next: Rebels free 2 prisoners of war in Southern Philippines

Related News

Mango1
  • Business
  • National

PH mangoes land in Rome in bid to win over Italian market

Editor June 3, 2025
AirAsia-MOVE-app
  • National

DOTr orders closure, raps vs. AirAsia Move over excessive air fares

Editor June 2, 2025
Seo-In-Guk-&-Christina-Frasco
  • National
  • Tourism

DOT assures Korean community of strengthened tourist safety measures

Editor June 2, 2025

Trending News

PH mangoes land in Rome in bid to win over Italian market Mango1 1
  • Business
  • National

PH mangoes land in Rome in bid to win over Italian market

June 3, 2025
DOTr orders closure, raps vs. AirAsia Move over excessive air fares AirAsia-MOVE-app 2
  • National

DOTr orders closure, raps vs. AirAsia Move over excessive air fares

June 2, 2025
DOT assures Korean community of strengthened tourist safety measures Seo-In-Guk-&-Christina-Frasco 3
  • National
  • Tourism

DOT assures Korean community of strengthened tourist safety measures

June 2, 2025
South Korea’s largest telecom operator suffers mass exodus of customers over data leak Hacker by Tima 4
  • International

South Korea’s largest telecom operator suffers mass exodus of customers over data leak

June 2, 2025
Northern Mindanao’s basic literacy rate hits 90.8% in 2024, above national average NMin-Literacy 5
  • Mindanao Post

Northern Mindanao’s basic literacy rate hits 90.8% in 2024, above national average

June 2, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.