
ZAMBOANGA CITY – Dismayado ang maraming mga die-hard fans ni Manny Pacquiao sa Zamboanga City matapos ng desisyon ng mga judges pabor kay Floyd Mayweather sa laban na binansagan “Fight of the Century.”
Tulad ng inaasahan, sari-saring batikos ang ibinato ng mga fans ni Manny sa mga judges matapos na magwagi si Floyd sa 12-round bout. Unanimous ang desisyon ng mga judges pabor kay Floyd.
“Lutong-Macau yan at malinaw na wagi si Pacman, pero iba ang naging desisyon ng mga hurado. Dinaya ang scoring,” ani Pete San Jose, isang mangangalakal. Natalo si Pete ng P10,000 pusta.
Hindi matanggap ng mga fans ni Manny ang kanyang pagakatalo at maging sa social media tulad ng Facebook ay matindi rin ang batikos ng mga Pinoy fans nito sa naturang laban.
Ngunit sa mga fans naman ni Floyd ay tunay na champion ang Amerikanong boxer at binansagan naman ng iba na “sour graping” at “pikon” ang mga fans ni Manny. Matanda na umano si Manny kung kaya’t hindi napatumba si Floyd. Maging ang mga huling laban ni Manny ay hindi rin nito napatumba ang mga kalaban.
Halos ito rin ang tugon ng mga fans ni Manny na nagbayad ng P350 at P150 para lamang makapanood ng “pay per view” sa LM Metro Hotel dito. Napuno ang ilang kuwarto ng hotel na kung saan ay naka-set up ang malalaking television screens para sa mga boxing fans.
Kasama sa bayad ang lunch buffet. “Punong-puno ng mgab tao yun lugar,” ani Alain Luy, na siyang isa sa mga anak ng may-ari ng nasabing hotel.
Maging ang Sky Gym ng hotel na sa araw-araw ay puno ng mga tao ay nagmistulang sarado dahil karamihan sa mga nagpupunta doon ay nanonood ng laban ni Manny.
Sa Sulu, nagpalabas rin si Gov. Totoh Tan ng television upang mapanood ng mgataga-roon ang laban ni Manny. Nagpahanda pa ito ng mga pagkain para sa mga manonood.
Sa Las Vegas na kung saan dinawa ang laban, sinabi naman ni Bom Arum, ang promoter ni Manny, na hindi umano pinayagan ng Nevada State Athletic Commission na maturukan ang Pinoy pride ng pain killer sa kanyang balikat kung kaya’t halos walang puwersa ito dahil sa tindi ng sakit.
Sinabi ito ni Arum sa panayam ng The Telegraph. “That the Commission had cleared his boxer to have a painkilling injection for the damaged right shoulder – the same injury which Kobe Bryant suffered from – with Arum clearly deeply unhappy about this decision ahead of boxing’s richest ever fight.”
“It’s going to take a long time to potentially have a rematch because Manny has a shoulder injury and we are particularly disappointed that the Commission refused to allow what had been agreed. I think Manny is going to need an operation,” ani Arum. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News