Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Uncategorized
  • Dinukot na Aussie, wala pa rin linaw
  • Uncategorized

Dinukot na Aussie, wala pa rin linaw

Editor June 11, 2012
Rodwell-kidnapper-Puruji-Indama-028-copy

Si Lt. Col. Randolph Cabangbang habang itinuturo ang posibleng lugar sa Basilan province na pinaniniwalaang bihag si Warren Rodwell. (Mindanao Examiner Photo)

ZAMBOANGA SIBUGAY (Mindanao Examiner / June 11, 2012) – Blangko pa rin ang mga awtoridad sa kinahinatnan ng dinukot na Australian national na si Warren Rodwell at bigo pa rin ang pamahalaang Aquino na mailigtas ang dayuhan na pinaniniwalaang hawak ng Abu Sayyaf sa Basilan province.

Si Rodwell, 52, ay dinukot nuong Disyembre sa bahay nito sa bayan ng Ipil sa Zamboanga Sibugay ng mga armado na nagpanggap bilang mga parak. Humihingi ng P20 milyon ransom ang mga kidnappers mula sa unang $2 milyon demand nito.

Ilang beses na rin na lumutang ang balitang nasawi si Rodwell, ngunit wala naman kumpirmasyon ito, ayon kay Lt. Col. Randolph Cabangbang, ang spokesman ng Western Mindanao Command.

“Hindi natin alam kung ano na ang nangyari kay Rodwell, pero ang huling report ng mga intell natin ay nasa Basilan ito at tuloy-tuloy naman ang paghahanap natin sa kanya,” ani Cabangbang sa panayam ng Mindanao Examiner.

Mahigpit umano ang pagtatago ng Abu Sayyaf sa dayuhan at nuong nakaraang buwan ay naglabas ito ng larawan ni Rodwell na may hawak na diyaryo.

Maging ang asawang Pinay ni Rodwell na si Miraflor Gutang, 27, ay wala rin balita ukol sa dayuhan at ni hindi umano ito binibigyan ng update ng mga awtoridad ukol sa mga isinasagawang operasyon ng mga awtoridad upang mabawi ang dayuhan.

Ilan lingo rin hinawakan ng pulisya si Gutang sa Zamboanga City sa pagbabakasakaling tawagan ito ng mga kidnappers sa cell phone at ma-trace nila ang kinalalagyan ni Rodwell. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Poverty in Zamboanga City!
Next: 1 patay sa landslide sa Davao

Related News

  • Uncategorized

Stop attacks if you want peace talks to resume, Palace to Reds

Editor December 16, 2019
  • Uncategorized

2 NPA rebels yield in South Cotabato

Chief Editor December 6, 2019
  • Uncategorized

Publiko pinagiingat sa mga ‘investment scheme’

Chief Editor November 21, 2019

Trending News

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines Jeffrey-Navarro,-Country-Manager,-Visa-Philippines 1
  • Business

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines

July 1, 2025
Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements Singapore-Airline 2
  • Business

Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements

July 1, 2025
Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA Official-Artwork-for-PR2025-14 3
  • National

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA

July 1, 2025
Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage Michael-Harris-Conlin 4
  • Sports

Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage

June 30, 2025
Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore CKD1 5
  • Health

Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore

June 27, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.