NORTH COTABATO – Patay ang isang 59-anyos na drayber ng motorsiklo matapos itong sumalpok sa isang tractor trailer na may lulang backhoe sa kurbadang highway ng Sitio Malaang sa Barangay Saguing sa bayan ng Makilala sa lalawigan ng North Cotabato nitong Biyernes ng hapon.
Sa panayam ng Mindanao Examiner kay Chief Inspector Johnny Rick Medel, hepe ng Makilala police force, ay pauwi na ang biktimang si Nelson Duran Bacayo, isang construction worker, ng maganap ang aksidente. Mabilis na dinala ng mga rumesponding pulis ang biktima sa Makilala Specialist ngunit patay na ito.
Sinabi ni ng imbestigador na si PO1 Xerxes Anthony Fiel ay agad naman umanong sumuko sa mga otoridad ang drayber ng trailer na si Danny Perez Geraldino, 49-anyos na residente ng Tibungco, Davao City.
Nakapiit naman ngayon ang dryaber ng truck sa Makilala PNP lock-up cell habang patuloy na iniimbestigahan ang kaso. (Rhoderick Beñez)