DAVAO CITY – Hawak na ng mga awtoridad ang driver ng sasakyan na ginamit ng mga umano’y Davao City bombers matapos itong sumuko sa takot na mapatay sa isinasagawang operasyon ng militar laban sa kanila.
Nakilala ang suspek na si Jerico Javier de Roma, 25, na umamin na siya ay miyembro ng Dawlah Islamiya na naka-base sa Cotabato City at nasa ilalim umano ng Maute Group na siyang nasa likod ng pambobomba sa night market noong September 2.
Umabot na sa 7 ang hawak ng pulisya na mga suspek – kabilang ang mismong bomber diumano na si TJ Manalac na nadakip sa Cotabato City noong nakaraang buwan kagunay sa madugong pambobomba na pumatay sa 17 katao at ikinasugat ng 69 iba pa.
Kasalukuyang iniimbestigahan si De Roma ng Criminal Investigation and Detection Group sa Cotabato. Nabatid na 3 iba pa ang pinaghahanap ng mga awtoridad na mga miyembro rin ng jihadist group ni Abdullah Maute. (Malou Cablinda)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper