
ZAMBOANGA CITY – Hawak ngayon ng pulisya ang isa umanong drug dealer matapos na lusubin ng mga awtoridad ang hideout nito sa Zamboanga City.
Sinabi ng pulisya na patuloy ang imbestigasyon kay Aldrin Lao Alloh matapos itong madakip kasama ang 6 iba pa kamakailan sa Barangay Ayala.
Nabatid sa inisyal na imbestigasyon na si Alloh rin ang umano’y suspek sa pagkakapatay sa isang sibilyan na si Al Nidzhar Asakil sa katabing barangay ng Recodo nitong Oktubre 27.
Ayon kay Insp. Dahlan Samuddin, ang regional police spokesman, ay nabawi sa bahay ni Alloh ang 26 na pakete ng hinihinalang shabu at isang .45-caliber pistol, gayun rin ang dalawang magazines at 14 bala.
Ang operasyon ay pinangunahan nina Ayala Police Station commander, Senior Insp. Karib Muharram at Zamboanga City Public Safety Company commander Chief Insp. Ariel Huesca.
“Confiscated shabu was forwarded to Regional Crime Lab Office for laboratory examination. The police are preparing the filing of criminal charges of murder and violation of RA 9165 against the arrested suspects,” ani Samuddin sa Mindanao Examiner.
Ang Barangay Ayala at Recodo ay kilalang kuta ng mga drug pushers sa Zamboanga City. (Mindanao Examiner)
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.