DAVAO CITY – Isa na naman tulak ng droga ang napatay ng pulisya sa Davao City matapos na umano’y manlaban ito sa isang buy-bust operation na isinagawa ng mga undercover cops.
Kinilala ng pulisya kahapon ang napaslang na si Darwin Pernia, 23, na isa umanong tulak sa Agdao district. Nabatid na nakatunog umano si Pernia sa naturang operasyon sa Barangay Lapu-Lapu at bumunot ng kanyang .38 caliber revolver at bago mabaril ang parak ay naunahan ito.
Nabawi rin sa suspek ang mga droga na hinihinalang shabu at kanyang baril. Nadala naman sa punerarya ang bangkay nito.
Naunang nagbabala si President-elect Rodrigo Duterte sa mga drug pushers at drug lords na bilang na ang kanilang mga oras. Hinimok rin ni Duterte ang publiko na arestuhin o patayin ang mga kilalang tulak ng droga at kriminal kung sila’y manlalaban.
Halos isang dosena na ang napapatay na mga hinihinalang tulak at kriminal sa Davao City sa mga nakalipas na lingo. At kamailan lamang ay binantaan rin ni Duterte ang 3 heneral ng pulisya sa Kampo Crame na mag-resign matapos nhitong sabihin na protector ang mga ito ng drug lords. (Mindanao Examiner)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper