ZAMBOANGA CITY – Napatay ang isa umanong drug pusher sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Zamboanga City matapos na mabaril habang tinangkang saksakin ng suspek ang isang opisyal doon.
Ayon sa ulat ng pulisya, nabaril umano kagabi ni PDEA deputy regional director Levi Ortiz ang suspek na Abdulmuhmin Sumampil, 36, ng magtangka itong saksakin ng matulis na bagay ang opisyal. Nadakip si Sumampil – na mula pa sa Lamitan City sa Basilan province – nitong Agosto 13 sa isang buy-bust operation.
Nabatid na humingi ng dialogue si Sumampil kay Ortiz sa pangakong ikakanta nito ang mga pinagkukunan ng shabu at mga customers, ngunit laking gulat ng opisyal ng ito’y biglang sumugod sa kanya kung kaya’t nabaril.
Agad rin inulat ni Ortiz ang naganap sa pulisya. (Ely Dumaboc)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper