Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Duterte gumagamit ng marijuana!
  • Featured
  • Mindanao Post

Duterte gumagamit ng marijuana!

Desk Editor December 7, 2018

NAGULANTANG ANG PUBLIKO sa pag-amin ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumagamit ito ng ipinagbabawal na marijuana. Sa isang pagtitipon kamakailan ng Asean-National Organizing Council sa Palasyo, nabanggit ni Duterte ang hirap na dinanas nito sa nakaraang 33rd Asean Summit sa Singapore.

At doon isinalaysay nito ang naranasang schedule ng iba’t-ibang mga pagpupulong. “You know we start at 8:30 in the morning and we end up almost 10, 11? Nandiyan man ‘yan silang lahat. And it’s every 30 minutes, 8:30 tapos 9:30, 10:30, iba na naman. Baka akala nitong Asean Secretariat Boy Scout kami. Hindi kaya ‘yan. It’s whole (day affair), hindi kaya.”

“Susmaryosep, walang tulog. And the more that crescendo becomes faster, mas lalo kang hindi nakakatulog kasi hinahabol ka na, babasahin eh, and so you do not want your President to look ignorant. So I have to catch up with the reading, wala na talagang panahon,” ani Duterte.

At idinagdag pa nito na: “It was a killing activity, and I think that at my age, ako hindi masyado, kasi nagma-marijuana ako eh, para magising. Sa iba, hindi na kaya.”

Maririnig rin sa audience na may mga natawa pa matapos na aminin ni Duterte na humihithit ito ng marijuana, ngunit karamihan ay natahimik at tila hindi makapaniwala sa narinig mula sa bibig ng Pangulo. Ngunit sa isang ambush interview ng mga manunulat matapos ng talumpati ni Duterte at sinabi nitong biro lamang ang kanyang mga sinambit.

“It was a joke! Of course it was a joke. Nobody can stop me from just doing my style. Minsan sabi ninyo (media) misogynist ako, magbiro ako ng ganoon. That’s my style, it’s too late to change. Joke-joking mo, ngayon kung maniwala kayo (na nagma-marijuana ako) eh gago kayo,” wika ni Duterte.

Nauna na rin inamin noon ni Duterte na totoong gumagamit ito ng Fentanyl – isang uri ng droga – upang maibsan ang matinding sakit na dinaranas nito sa kanyang leeg dahil sa spinal injury na nakuha sa akidente sa motorsiklo noon. Ang Fentanyl ay isang opioid na ginagamit bilang pain medication, ngunit malimit rin itong gamitin ng mga drug addict at kalimitan ay inihahalo sa heroin o cocaine.

Ngunit mariing pinuna naman ni Brad Adams, ang Asia Director ng Human Rights Watch, ang pagbibiro ni Duterte ukol sa kanyang paggamit ng marijuana. “Marijuana is illegal in the Philippines, and Duterte’s admission of using it – whether in jest or not – undermines the rationale for his drug war and exposes its murderous hypocrisy. It adds cruel insult to injury for the victims and their families.”

“Perhaps this episode will push Duterte to realize his hypocrisy and order the police to stop arresting and killing people who, like himself, personally benefit from cannabis. Otherwise, why shouldn’t the anti-drug agents knock on the door of Malacañang?” tanong pa ni Adams.

Isinisi at inakusahan naman ng Human Rights Watch si Duterte at pulisya, gayun rin ang umano’y mga di-pa nakikilalang mga killers, sa pagpatay sa mahigit 12,000 kataong sangkot sa illegal na droga ng magsimula ang “Oplan Tokhang” ng noong 2016.

Ilang ulit na rin itinanggi ni Duterte at ng pulisya ang mga bintang ng Human Rights Watch at iba pang mga grupo na may extrajudicial killings sa bansa na konektado sa ipinagbabawal ng droga. Karamihan naman sa mga napapatay na drug pushers ay nanlalaban diumano sa mga parak kung kaya’t napaslang. (Mindanao Examiner)

 

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com 
Mirror Site:  https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
See Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates

 

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Sandiganbayan junks Misuari’s plea to dismiss ‘ghost textbook’ case
Next: OPINION: Fun run in Davao by Jun Ledesma     

Related News

Claire-Castro-RTVM
  • Mindanao Post
  • National

‘Major step’: Palace lauds $10-M climate grant for Tawi-Tawi project

Desk Editor May 7, 2025
P20rice-PIA
  • Featured
  • Visayas

Tears of gratitude: Elderly Cebuano first to benefit from PBBM’s P20 Rice Program

Desk Editor May 7, 2025
Dr-Kristian-PIA
  • Health
  • Mindanao Post

Bone Marrow Transplant Center to open in Davao by 2028

Desk Editor May 7, 2025

Trending News

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 1

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2 2

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

May 9, 2025
Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA Philippines_Poverty_Mel_Hattie 3

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

May 9, 2025
PH to become $2-T economy by 2050 Bonifacio-Global-City_and_Makati_skylines 4

PH to become $2-T economy by 2050

May 8, 2025
Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards Metrobank-Annual-Awards 5

Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards

May 8, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.