NAGBANTA ANG PANGULONG Duterte na magbibitiw sa puwesto kung itutuloy ng anak nitong si Congressman-elect Paolo ‘Pulong’ Duterte na tumakbo bilang House Speaker.
Nakarating sa Pangulo ang balitang may naguudyok sa kanyang anak na puntiryahin ang posisyon ng pagiging Speaker of the House of Representatives kung kaya’t agad itong nababala kay Paolo.
“Itong si Paolo, sabihin ko sa kanya, if you run for speakership let me know. Kasi kung tatakbo ka, magre-resign ako kasi marami na tayo, nandiyan yun kapatid mong mayor (Sara Duterte) tapos ah, what if someone is also uneasy about it.”
“I believe in democratic practice…but then again the Vice Mayor(-elect) (Sebastian) anak ko yun; and Pulong as Speaker, ako ang Presidente eh hindi na maganda yun, so if you will insist…that’s your own life to live. If you insist on running, maniwala ka sa mga advisers mo, go ahead let me know three days in advance before you make the announcement and I will tender my resignation,” ani Duterte.
Itinanggi naman ni Paolo na may balak itong maging House Speaker at sa kanyang Facebook page ay ito ang kanyang isinulat: Puede ba tubag ani?: PULONG TO PRESIDENT DUTERTE: I DID NOT SAY I WANT TO BE SPEAKER….may nagkamali na naman bulong sa tenga mo Mr. President.”
Noon ay pinalagan rin umano ni Duterte ang suhestiyon na pagtakbo ni Paolo bilang mayor sa Davao at ang nakakatandang kapatid nito na si Sara ang siyang kumandidato at nagwagi. Si Sara ay nagsilbing vice mayor ni Duterte noong 2007 hanggang 2010 at mayor hanggang sa kasalukuyan. May ambisyon rin diumano si Sara na maging Pangulo sa pagtatapos ng termino ng kanyang ama. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com
Mirror Site: https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates
Thank you so much for visiting our website. Your small donation will ensure the continued operation of the Mindanao Examiner Regional Newspaper. Thank you again for supporting us. BPI: 952 5815649 (BOPIPHMM) Landbank: 195 113 9935 (TLBPPHMM)