DAVAO CITY – Pinulong ni President-elect Rodrigo Duterte si Sen. Ferdinand Marcos sa paboritong watering hole nito sa Davao City at halos 4 oras rin umano nagtagal ang paguusap nila.
Nagtapos ang pulong dakong alas-3 ng umaga ngayong Sabado sa “After Dark” at sinabi ni Marcos na napag-usapan nila ang posibleng pagbibigay sa kanya ng puwesto sa Gabinete ni Duterte sa susunod na taon.
Sinabi ni Marcos na ayon sa batas ay hindi maaaring ma-appoint ang isang natalong kandidato sa anumang posisyon sa pamahalaan sa loob ng isang matapos ng halalan. Tumakbo si Marcos bilang bise presidente nitong Mayo 9, ngunit natalo naman kay Leni Robredo.
Todo naman ang pasasalamat ni Marcos kay Duterte sa malaking tiwali nito sa kanya at sa magagandang sinabi nito ukol sa kanyang pamilya at amang si President Ferdinand Marcos.
Napag-usapn rin nila ang pagpapalibing sa yumaong Marcos sa Libingan ng mga Bayani at posibleng sa Setyembre ito gawin. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Share Our News