Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Duterte suko na, nais magretiro!
  • Featured
  • Mindanao Post

Duterte suko na, nais magretiro!

Desk Editor August 19, 2018

NAIS NA ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbitiw sa puwesto at tuluyan nang mag-retiro dahil sa umano’y kabiguan nitong putulin ang patuloy na korapsyon sa pamahalaan at ang walang katapusang problemang dulot ng ilegal na droga.

‘I am thinking of stepping down because I am tired…’

Ito ang sinabi ni Duterte sa paglulunsad ng programang “Pilipinas Angat sa Lahat” kamakailan sa Malacañang at dito isiniwalat ng Pangulo ang kanyang matinding pagka-dismaya at sa harapan ng maraming opisyal ay inamin nitong pagod na pagod na siya.

Ito ang sinabi ni Duterte sa naturang event, “sinabi ko sa mga sundalo at pulis, Guys, I want you to know that I am thinking of stepping down because I am tired…”

Hindi rin umano nitong pedeng ipapatay lahat ng mga sangkot sa droga dahil sa nakabantay na human rights groups. Nadagdagan pa ang pagka-aburido ni Duterte matapos nitong ihayag ang pagkakasibak sa 20 mga opisyal ng V. Luna Medical Center ng Armed Forces of the Philippines dahil sa akusasyong sabit ang mga ito sa korapsyon. Isang whistle-blower umano ang nagsumbong sa Malacañang na may mga anomalya sa pagbili ng mga kagamitan ng naturang ospital.

Agad naman sinibak ng Pangulo sina Brig. Gen. Edwin Leo Torrelavega, ang hepe ng V. Luna Medical Center; at si Col. Antonio Punzalan, na siyang pinuno ng logistics office nito. Minura pa ni Duterte si Torrelavega habang isinasalaysay ang korapsyon sa pagamutan sa mga kaharap sa Malacañang.

Ipinag-utos rin ng Pangulo na ilagay sa court martial proceedings ang lahat ng mga sangkot sa anomalya sa V. Luna Medical Center. Hindi naman mabatid kung bakit hindi agad natunugan ng Armed Forces of the Philippines ang nagaganap sa V. Luna Medical Center at isang whistle-blower pa ang nagsumbong sa Malacañang.

Ngunit sinabi ni Gen. Carlito Galvez, ang hepe ng Armed Forces of the Philippines, na nagiimbestiga na sila sa naganap at kung may iba pang anomalya at mga nasa likod nito.

Maraming beses ng sinabi ni Duterte na pagod na ito at nais na lamang mamahinga, ngunit inaalala rin nito kung sino ang papalit sa kanya na siyang magpapatakbo ng pamahalaan sa matinong paraan. Ayaw rin ni Duterte na si Bise President Leni Robredo ang pumalit sa kanya dahil wala umano itong kakayahang mamuno bilang Pangulo. Ngunit gusto naman ni Duterte na pumalit sa kanya si Bong Bong Marcos, na anak ng dating diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos. (Mindanao Examiner)

 

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com/
http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
See Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates/
fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: 2 Zamboanga cops accused in illegal drug trade slain
Next: Search for missing U.S. Marine in Sulu Sea ends

Related News

Claire-Castro-RTVM
  • Mindanao Post
  • National

‘Major step’: Palace lauds $10-M climate grant for Tawi-Tawi project

Desk Editor May 7, 2025
P20rice-PIA
  • Featured
  • Visayas

Tears of gratitude: Elderly Cebuano first to benefit from PBBM’s P20 Rice Program

Desk Editor May 7, 2025
Dr-Kristian-PIA
  • Health
  • Mindanao Post

Bone Marrow Transplant Center to open in Davao by 2028

Desk Editor May 7, 2025

Trending News

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 1

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2 2

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

May 9, 2025
Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA Philippines_Poverty_Mel_Hattie 3

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

May 9, 2025
PH to become $2-T economy by 2050 Bonifacio-Global-City_and_Makati_skylines 4

PH to become $2-T economy by 2050

May 8, 2025
Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards Metrobank-Annual-Awards 5

Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards

May 8, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.