MALABONG MAIPATUPAD sa Zamboanga City ang Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 na kung saan ay dapat nakabukod ang mga basurang nabubulok (biodegradable) at hindi nabubulok (non-biodegradable) dahil mismong mga basurero ang lumalabag sa naturang batas.
Isa sa mga barangay na lumalabag sa naturang batas ay ang Tetuan na kung saan ay winawasak ng mga basurero ang mga trash bags upang kolektahin ang mga bote, plastic, bakal, papel at iba pang mga bagay na kanilang ibinibenta.

Maraming mga pagkakataon rin na 3-4 na basurero ng Barangay Tetuan ang makikita sa ibabaw ng kanilang truck at abala sa pagwasak sa mga trash bags na itinatapon ng mga residente.
Bukod sa natatagalan sa paghahakot ng mga basura dahil sa kanilang ilegal na gawain ay hindi agad nagagawa ng mga ito ang kanilang tungkulin – ang maghakot ng mga basura dahil abala sa pangangalkal sa ibabaw ng truck.
Bagama’t maraming mga residente ang nagbubukod ng kanilang mga basurang nabubulok at hindi nabubulok bilang pagtupad sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay nilalabag naman ito ng maraming mga basurero.
Hindi naman agad makunan ng pahayag ang mga opisyal ng barangay, gayun rin ang Department of Environment and Natural Resources at City Environment and Natural Resources ukol sa ilegal na gawain ng mga basurero. (Zamboanga Post)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Read And Share Our News: Mindanao Examiner Website
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates