
Enchong Dee
KASUNOD ng pagbabahagi sa publiko na mayroon na siyang non-showbiz girlfriend, inamin naman ni Enchong Dee sa “Tapatan Ni Tunying” na sumasagi na sa isip niya ang magkaroon ng anak, ganoon pa man, nilinaw agad ng 25-anyos na aktor na hindi pa siya handa para sa buhay may asawa.
“Iyon pag-aasawa, hindi ko pa iniisip. ‘Yon anak ang iniisip ko. Isang umaga, gumising ako at sabi ko, parang kailangan ko nang magkaroon ng anak,” ani Enchong.
Nang tanungin kung papayag naman kaya ang kanyang nobya sa ganitong sitwasyon, “Eh kung gusto niya, eh ‘di game,” pabirong sagot ni Enchong.
Ibinahagi rin ni Enchong na gusto niyang magpakasal kapag tumuntong na siya sa edad na 32.