ZAMBOANGA CITY – Dinukot diumano ng Abu Sayyaf ang isang retiradong marine habang bumibiyahe ito sa karagatan gamit ang sariling lantsa sa lalawigan ng Sulu.
Sa ulat na inilabas ng Philippine Navy, hinila ng 5 armado na nagpanggap na pasahero si Renato Fernandez at inilipat sa isang lantsa na nakabuntot sa kanila nitong Abril 5 ng umaga.
Galing sa bayan ng Jolo si Fernandez at patungo sana sa Pangutaran Island upang ihatid ang kanyang mga pasahero ng tutukan ito ng armas ng 3 lalaki. Hindi naman ginalaw o sinaktan ng mga armado ang ibang mga pasaherong Muslim.
Nabatid na kasal si Fernandez sa isang Muslim at ng mag-retiro ay bumili ng lantsa upang magamit sa negosyo. Hindi pa mabatid kung may hinihinging ransom ang Abu Sayyaf kapalit ng paglaya ni Fernandez.
Posibleng mamiligro ang buhay ni Fernandez sa kamay ng Abu Sayyaf dahil sa pagiging dating sarhento nito sa Philippine Marines. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News