ZAMBOANGA CITY – Tadtad sa bala ang isang dating government militia matapos itong ratratin ng mga di-kilalang armado sa bayan ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay province.
Sinabi ni Insp. Dahlan Samuddin, ang regional police spokesman, na isang dosenang bala mula sa Carbine at M16 ang nabawi ng mga imbestigador sa Barangay Cayamcam na kung saan pinatay si Margarito Lecaros kamakalawa ng gabi.
Tadtad ng tama ng bala sa katawan at ulo si Lecaros ng matagpuan ang kanyang bangkay. Hindi naman mabatid ng pulisya kung sino ang nasa likod ng krimen o kung may kinalaman ba ang New People’s Army o mga kaaway ni Lecaros sa kanyang pagkakapaslang.
Wala rin umako sa krimen, ayon kay Samuddin. “Ongoing yun investigation natin sa krimen at inaalam pa natin kung sino ang nasa likod nito,” ani pa ng opisyal sa Mindanao Examiner.
Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag ang pamilya ni Lecaros. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News