TACURONG CITY – Patay ang isang dating pastor matapos itong barilin kahapon ng mga di-kilalang armado sa Tacurong City sa Sultan Kudarat province.
Ayon sa ulat ng pulisya, tinira umano si Charlton Ramos, 34, sa Del Pilar Street dakong tanghali matapos itong dikitan ng mga salarin na nakasakay sa motorsiklo. Sa ulo binanatan si Ramos na sinasabing preacher umano noon sa nasabing lungsod.
Dalawang lalaki naman ang dinampot ng pulisya kaugnay sa krimen, ngunit hindi pa mabatid kung sila nga ang mga salarin. Nabawi ng pulisya sa lugar ang isang basyo ng kalibre .45 pistola na siya umanong ginamit ng mga salarin sa pamamaslang.
Hindi pa malinaw ang motibo sa pagpatay, ngunit sinabi ng pulisya na iniimbestigahan na ang naturang kaso. May mga witness rin umano sa naganap na atake sa dating pastor na isang balo. (Rose Muneza)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
https://mindanaoexaminer.com/ad-rates