
COTABATO CITY (Mindanao Examiner / July 1, 2012) – Napatay umano sa pananambang ang dating alkalde ng lalawigan ng Sultan Kudarat sa magulong rehiyon ng Mindanao at sugatan rin ang asawa at anak nito.
Ayon sa mga ulat ay nasa sasakyan si dating Mayor Suahid Salik at ang kanyang pamilya ng bigla silang paulanan ng bala sa kahabaan ng Isulan highway nitong Sabado ng hapon lamang.
Hindi pa mabatid kung sino ang nasa likod o motibo ng atake, ngunit sinimulan na ng pulisya ang isang masusing imbestigasyon sa krimen.
Walang umako sa pananambang at inaalam rin kung konektado ito sa rido o clan war o kaya ay family feud. Isa rin umanong political consultant ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu si Salik. (Mindanao Examiner)