DAVAO CITY – ‘Fake news!’ Yan ang naging tugon ni Defense Secretary Delfin Lorenza sa inilabas na dokumento ni presidential son, Paolo “Pulong” Duterte na naguugnay sa iba’t-ibang mga personalidad at grupo, kabilang ang ilang taga-media sa umano’y sa mga nagnanais o nagpaplanong patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.
“The first time I saw that posting, I said it is fake news. I still maintain that it’s fake news,” ani Lorenzana sa mga mamamahayag ng ito ay tanungin ukol sa listahan ni Pulong na kanyang inilabas sa kanyang Facebook page kamakailan lamang.
Kabilang sa mga nasa listahan ay si Bise Presidente Leni Robredo, mga nasa hanay ng oposisyon, kabilang ang PLDT at Jollibee, mga religious group at gayun rin ang mga alagad ng Simbahan, kabilang ang isang patay na Obispo.
Agad naman tinanggal ni Pulong ang naturang post nito sa Facebook matapos na umani ng mariing pagbatikos mula sa mga netizens, oposisyon at Simbahang Katoliko at wala rin itong paliwanag kung bakit niya binura ang nasabing listahan ng mga umano’y destabilizers.
Tinawag naman ni Robredo na iresponsable ang paglagay ni Pulong ng nasabing listahan dahil bukod sa ito ay pawang kasinungalingan ay wala rin umanong maipakitang pruweba ang anak ng Pangulo sa kanyang bintang.
Narito ang mga pangalan ng nasa listahan ng mga pinagbintangan ni Pulong sa na umano’y kasama sa Oust Duterte Movement: Movement Against Tyranny, Tindig Pilipinas, MAKABAYAN bloc, CBCB/Opus Dei, Francisco Tatad, Bishop Broderick Pabilo, Bishop Leo Drona, Bishop Antonio Realubin Tobias, Bishop Deogracias Iniguez, Bishop (Emeritus) Julo Xavier Labayan, Bishop Pablo Virgilio David, Bishop Arturo Santos, Don Ramon Pedrosa at asawang si Carmen, at Imelda Nicolas.
Maging ang Jollibee Food Corp., Dole Phils., PLDT Co., Philsaga Mining Corp., General Tuna Corp., Sumi Phils Wiring System, retired general Victor Corpuz, retired general Cunanan, retired general Jampe, dating Bise Presidente Jejomar Binay, ex-National Security Adviser Norberto Gonzales, Justice Antonio Carpio, beteranong mamamahayag Randy David, singer na si Jim Paredes; Rappler, Maria Ressa, Ellen Tordesillas, Ed Lingao na pawang mga nasa media; Dinky Soliman, Florencio Abad,
Allan Purisima, Marvic Leonen, Paquito Ochoa, Teresita Deles, Juan Santos, Alberto Lina, Guillermo Parayno, Sen. Leila De Lima at Risa Hontiveros, Ronald Lamas, at ex-Chief Justice Hilario Davide. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com
Mirror Site: https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
See Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates