
MANILA (Mindanao Examiner / Apr. 27, 2013) – Sinorpresa kamakailan ng buong staff ng “Toda Max” si Angel Locsin at sabay na pinagdiwang habang nasa set ang kanyang ika-27 na kaarawan pati na rin ang kanyang pagkakapanalo kamakailan bilang Best Actress sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards.
Bukod sa salo-salo ay dumating din ang nobyo nito na si Phil Younghusband para makisaya sa lahat kaya naman nag-uumapaw sa saya ang aktres.
Pagkatapos ng party ay agad na bumalik sa pagte-tape si Angel at ang buong staff and crew ng programa para muling maghanda sa isa na namang episode na puno ng katatawanan para sa mga manonood.