ZAMBOANGA CITY – Sugatan ang isang crewman ng fishing boat matapos itong barilin ng isang kasamahan na kanyang pinagalitan at tinadyakan umano habang nasa karagatan ng Sulu province.
Nakilala ang biktima na si Nino Danoso, 37, at natibo ng bayan ng Murcia sa Negros Occidental, at 3rd mate ng Lourdes Fishing Company. Binaril umano ito sa sikmura ni Israel Pegente, 31,at tubong-Zamboanga City.
Agad naman hinuli ng ibang mga crewman si Israel matapos nitong paputukan ng sumpak o homemade shotgun ang biktima kamakalawa habang nangingisda ang kanilang barko.
Kinagilitan umano ni Nino ang suspek habang nagaayos ng mga banyera ng isda at hindi pa ito nasiyahan ay tinadyakan pa ng isang beses sa baywang. Dito na umano kumuha ng sumpak si Nino at saka binaril ang biktima.
Agad naman lumayag pabilik ng Zamboanga ang fishing boat at dinala sa pagamutan ang biktima. Naibigay na rin sa pulisya ang suspek at ngayon at nahaharap sa kasong kriminal. (Mindanao Examiner)