
ZAMBOANGA DEL NORTE – Isang lalaki ang dinakip ng pulisya matapos umano nitong tangkain gahasain ang sariling live-in partner ng kanyang utol sa loob mismo ng kanilang bahay sa bayan ng Roxas sa Zamboanga del Norte.
Sa reklamo ng babaeng si Celsa (hindi tunay na pangalan), ay natutulog umano ito kasama ang kanyang anak sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Minang ng maramdaman nitong ginagapang siya ni Glen Maghanoy, 24.
Dakong ala 1.30 ng madaling araw ng Oktubre 12 ng pasukin ni Glen ang kuwarto ng hipag at pinaghahawakan umano ang kanyang katawan, reklamo pa ni Celsa. Wala ang asawa ni Celsa ng maganap ang tangkang panghahalay sa kanya at nakapanlaban lamang ito kung kaya’t hindi natuloy ang maka-mundong kademonyohan ni Glen.
Agad na tumakas si Glen matapos na magsisigaw si Celsa at humingi ng saklolo sa mga kapit-bahay. Dahil sa naganap ay mabilis na dumulog sa otoridad si Celsa at isinalaysay ang naganap.
Nadakip naman ng pulisya at mga opisyal ng barangay si Glen sa kanyang bahay na kung saan ito nagtago. Hindi naman agad makunan ng pahayag ang kapatid ni Glen ukol sa ginawang nitong pangaahas sa kanyang asawa. Pursigido naman ang mag-asawa na kasuhan si Glen na ngayon ay nakapiit sa naturang bayan. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com and http://www.mindanaoexaminer.net