NORTH COTABATO – Nasakote ng mga otoridad ang isang 28-anyos na ginang na sinasabing kapapanganak lamang kamakalawa sa inilatag sa drug buy-bust operation sa Macapagal Avenue, Tubod Highway sa Iligan City sa lalawigan ng Lanao del Norte.
Kinilala ang suspek na si Calima Sarip Bangcola, 28, may asawa at residente ng Marawi City. Inamin naman umano ng ginang na binigyan siya ng P2,000 upang ihatid ang shabu ng matiktikan ng mga otoridad.
“Sinabi lang niya sa akin na ihatid sa Iligan, ibibigay ko lang may tatawag sa akin,” ang pahayag ni Bangcola. Ikatatlong beses na umano nitong ginagawa ang paghahatid ng shabu pero ang hindi nito alam na pulis ang kanyang nabentahan. Sa ngayon naghihimas ng malamig na rehas bakal ang ginang. (Rhoderick Beñez)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper