
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / June 9, 2013) – Patay ang isang ginang matapos nitong tangkain na sagipin ang anak na nahulog sa balon sa Zamboanga City.
Sinabi ng pulisya na nahulog si Mark Lantaka, 9, sa naturang balon sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Ayala nitong Sabado ng gabi lamang.
Bagamat nagpa-panic na sa posibleng kahantungan ng bata ay mabilis na sinugod ng kanyang inang si Flordesie, 47, ang madilim na balon upang sagipin ang bata, ngunit nahulog naman ito sa balon sa kanyang pagmamadali.
At ng malaman naman ng amang si Antonio, 47, ang naganap sa mag-ina ay agad itong pumunta sa bunganga ng balon, ngunit nadulas naman ito at nahulog rin.
Nailigtas naman ng mga kapit-bahay ang mag-ama ngunit nasawi naman si Flordesie. Naisugod sa pagamutan ang mag-ama dahil sa tinamang mga pinsala sa katawan.
Hindi naman agad mabatid kung alam na ba ng mag-ama ang sinapit ni Flordesie. (Mindanao Examiner)