
ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang ginang matapos itong tadtarin ng saksak ng sariling asawa matapos ng matinding pagtatalo kahapon sa Zamboanga City.
Nabatid na selos ang ugat ng pagtatalo ng mag-asawa hanggang sa nauwi ito sa pamamaslang ni Rolando Libid, 59, sa asawang si Georgina, 54, sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay Baliwasan.
Nagsaksak rin sa sarili si Rolando, ngunit naisugod pa ito sa pagamutan ng mga emergency medical workers. Nabawi naman ng pulisya ang patalim na ginamit ni Rolando – na isang security guard – sa pagsaksak sa kanyang asawa.
Ayon sa inisyal na pahayag ng mga kaanak ng babae ay buong gabi nag-away ang mag-asawa hanggang sa maganap ang krimen. Nagsisigaw pa umano ang babae sa paghingi ng saklolo sa mga kapit-bahay at kaanak, ngunit huli na ang lahat ng maabutan nilang naliligo sa sariling dugo si Georgina.
Maging si Rolando ay balot ang katawan sa dugo dahil sa pagsaksak nito ng paulit-ulit sa kanyang sarili at tumakbo pa sa bahaging likuran ng kanilang bahay na kung saan ito bumagsak.
Hindi naman sinabi ng mga kaanak ng babae kung ano ang pinagseselosan ni Rolando. (Christina Diabordo)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News