PAGADIAN CITY – Timbog ang isang ginang matapos umano itong magpaputok ng baril sa bayan ng Bayog sa Zamboanga del Sur.
Nakilala ang babae na si Yolanda Apog, 41, at ayon sa pulisya ay natiyempuhan ito ng isang grupo ng mga nagpapatrulayng parak sa pangunguna ni Insp. Glenn Pollescas.
Nagtangka pa umanong tumakas si Apog ng makita ang mga parak. Tumakbo ito sa kanyang bahay, ngunit tinugis at nadakip rin ng grupo ni Pollescas. Hindi naman agad mabatid kung may tinamaan sa pamamaril ni Apog.
Sinabi ng pulisya, nabawi mula kay Apog ang isang .45-caliber pistol at may 2 bala pa sa magazine. Nahaharap si Apog sa kasong paglalabag sa pagdadala ng ilegal na armas at gun ban.
Iniimbestigahan ng pulisya ang ginang upang mabatid kung kanino ang nasabing baril at saan galing. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper