
PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / Dec. 29, 2013) – Patay ang isang caretaker ng Globe Telecom cell site sa bayan ng Dumingag sa Zamboanga del Sur matapos itong barilin ng ilang beses ng mga ‘riding in tandem’ habang patungo sa palengke.
Sinabi ng pulisya na agad rin tumakas ang mga salarin matapos na itumba si Jenifer Rivera, 23, sa Barangay San Pablo. Nakuha sa lugar ang isang magazine ng .45-caliber pistol at 5 basyo ng bala.
Isinugod pa sa pagamutan, ngunit wala na itong buhay ng dumating doon dahil sa mga tinamong sugat sa kanyang katawan. Hindi pa malinaw ang motibo sa pagpatay at kung sino ang nasa likod nito.
Ayon sa mga saksi ay naka-bonnet umano ang mga armado at ng dikitan ang babae ay bigla na lamang itong pinutukan ng naka-angkas na lalaki. Hindi pa makunan ng pahayag ang pamilya nito o ang Globe Telecom ukol sa pamamaslang sa biktima. (Mindanao Examiner)