Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Grace Poe, patuloy na umaani ng batikos!

Grace Poe, patuloy na umaani ng batikos!

Editor April 9, 2013
thumbs-down-22

MANILA (Mindanao Examiner / Apr. 8, 2013) – Binansagang traydor ng mga supporters nina dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada at Bise Presidente Jejomar Binay si Grace Poe na ngayon ay tumatakbong senadora matapos na kumatig sa Team PNoy.

Bagamat naging isyu laban kay Poe ang pagkalas nito sa grupo nina Erap at Binay ay maiinit pa rin sa kasalukuyang ang naturang paglipat nito sa Team PNoy ni Pangulong Benigno Aquino.

Matatandaang si Erap ang siyang matalik na kaibigan ni ‘Da King’ Fernando Poe, Jr. at hindi nag-iwanan ang dalawa hanggang sa pumanaw ang movie action star dahil sa stroke nuong 2004.

Bagama’t naiwan sa ere si Erap ay solid pa rin ang suporta sa kanya ng publiko at ngayon ay isa sa mga haligi ng United Nationalist Alliance kasama si Binay at Senate President Juan Ponce Enrile.

Unang inalok nina Erap at Binay si Poe bilang guest candidate dahil na rin sa mistulang anak ang turing ng dalawa sa kanya, ngunit lahat ng ito’y gumuho ng sumanib si Poe sa Team PNoy at sumama sa mga rallies nito.

Dahil dito ay maraming mga supporters nina Erap at Binay ang sumama ang loob kay Poe at sariling interest lamang umano ang habol nito sa pagkiling sa Team PNoy at pag-iwan sa UNA.

“Ano ang tawag mo sa ganoong kalseng ugali. Tinaraydor talaga ni Grace sina Pangulong Erap at Bise (Presidente) Jejomar Binay. Matapos ng lahat ng suporta sa kanya ay ito pa ang isusukli ni Poe sa kabaitan at kagandahang-loob na ipinakita sa kanya ng lahat,” ani ng isang Erap supporter na si Benjie Subong ng tanungin ang ukol sa isyu kay Poe.

Ngunit sa kabila ng lahat ay sinabi ni Erap na parang anak pa rin ang kanyang turing kay Poe, na adopted daughter ni Da King at Susan Roces. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Zamboanga militia cheats death, survives ambush
Next: Gusali nilamon ng apoy sa Zambo

Trending News

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress BLT-1 1
  • Business
  • Featured

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

May 22, 2025
Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025 PagIBIG-Housing-Loan 2
  • National

Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025

May 22, 2025
Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country Innovation-Day-2025-Schneider1 3
  • Business

Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country

May 21, 2025
Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs Marawi-IDP 4
  • Mindanao Post

Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs

May 21, 2025
DSWD aids Filipinos returning from Sabah DSWD-aids-Filipinos 5
  • Mindanao Post

DSWD aids Filipinos returning from Sabah

May 21, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.