
COTABATO CITY (Mindanao Examiner / Aug. 25, 2014) – Isang granada ang sumabog sa labas ng isang kapilya sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao province, ngunit wala naman inulat na nasaktan.
Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang pagsabog nitong Linggo ng gabi sa Tamontaka, ngunit hindi pa matiyak ang motibo nito. Naispatan umano sa lugar ang dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo ilang minute bago ang pagsabog at hinihilang sila rin ang naghagis nito.
Walang umako sa pagsabog at patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang naganap. Nabawi rin ss lugar ang safety lever at pin ng granada. Hindi pa malinaw kung sino ang target ng “riding-in-tandem” sa lugar na napapaligiran rin ng mga kabahayan o kung may kinalaman ba ito sa away-pamilya.
Kamakailan lamang ay isang pampasabog rin sumambulat sa Cotabato City na kung saan ay 5 katao ang sugatan. (Mindanao Examiner)
Like us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine