
COTABATO CITY (Mindanao Examiner / Aug. 31, 2013) – Napatay ng mga awtoridad sa labanan ang isa umanong gunrunner at nadakip ang kasamahan nito sa Tacurong City sa katimugan ng bansa.
Kinilala naman ng pulisya ang napatay na si Nadzir Mongkas na umano’y miyembro ng Tamengkog Group na siyang nasa likod ng mga extortion at gun running. Hindi pa mabatid kung sabit ito sa mga bombahan s central Mindanao, ngunit itinuturo ito bilang “bomber-for-hire.”
Ang kasamahan nitong si Rajib Giyaludin ay kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya upang mabatid kung sino-sino pa ang miyembro ng kanilang grupo.
Pinaniniwalaang may mga koneksyon umano ang grupo sa mga rebeldeng Moro sa Mindanao.
Sinabi ng pulisya na nabawi nito Tacurong City ang ibat-ibang mga armas at sangkap sa paggawa ng mga bomba.
Kabilang sa nasamsam ng pulisya ay mga sniper rifles, automatic rifles, sub-machine gun at mga pistol, ngunit hindi pa mabatid kung sino ang may-ari nito. Sakay ang dalawa ng kanilang multi-cab ng makipagbanatan sa pulisya. (Mindanao Examiner)