
PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / Dec. 3, 2013) – Isang gun store sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur province ang nilooban at natangay ang ibat-ibang firearms accessories doon.
Ayon sa reklamo ng may-ari na si Raquel Olorga, 43, ay natangay mula sa kanyang Bull Eye Trading gun store ang mga sari-saring magazines, mga bala, apat na sets ng camouflage uniform, apat na gun stabilizers, limang flashlight holders, siyam na rifle scopes, isang MI6 riffle scope, dalawang camel bags, isang lighter pistol at isang lisensya ng baril na pagaari ni Raquel Olorga.
Nasa tabi lamang ng gasolinahan sa Rizal Avenue sa Lumbia District ang nasabing gun store at napasok umano ito ng magnanakaw matapos na sirain ang window grills nito. Posible umanong sa gabi o madaling araw ito pinasok ng magnanakaw.
Hindi naman mabatid kung may security camera ang loob o labas ng gun store at hindi rin mabatid kung sino ang nasa likod ng panloloob. (Mindanao Examiner)