Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Guro, pinatay ng sariling estudyante!
  • Featured
  • Mindanao Post

Guro, pinatay ng sariling estudyante!

Chief Editor September 14, 2016

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang guro matapos itong saksakin ng kanyang estudyante sa Cagayan de Oro City sa northern Mindanao.

Nakilala ang nasawi na si Vilma Cabactulan, ng Pedro Roa National High School, at tatlong saksak sa kanyang likuran ang tinamo nito. Nabatid na sa loob mismo ng silid-aralan pinagsasaksak ng 15-anyos na kriminal ang guro.

Sinabi ng pulisya na naganap ang krimen nitong Martes ng umaga matapos na kagalitan umano ng guro ang estudyante dahil sa madalas nitong paggamit ng cell phone sa oras ng klase. Agad naman nadakip ang batang kriminal at nabawi ang 7-pulgadang patalim na pagaari umano ng isa pang estudyante na sinasabing kasama sa nagplanong saksakin ang guro.

Naisugod pa sa pagamutan ang kaawa-awang guro, ngunit bigo ang mga duktor na masagip ang buhay nito.

Ayaw naman pangalanan ng pulisya ang kriminal dahil sa menor de edad pa umano ito. Nasa Grade 9 – Mendeleev ang kriminal na kung saan ay adviser ang guro nito. Iniimbestigahan pa ang dalawang estudyante, kabilang ang may-ari ng patalim, kaugnay sa kaso. Sinasabing nag-Jack and Poy pa ang mga ito bago maganap ang atake sa guro.

Inaalam pa kung gumagamit ng droga ang kriminal. Ibibigay umano ito sa Department of Social Welfare and Development, ngunit nangangamba ang pamilya ng guro na baka tumakas ang estudyante at magtago. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: ARMM committed to special emergency education recovery program
Next: Zamboanga City institutes malnutrition screening for pregnant, lactating women

Related News

Basilan-Peace-Agreement
  • Mindanao Post

Peace agreement ends longstanding ‘rido’ in Basilan

Editor June 17, 2025
PhilHealth-logo
  • Mindanao Post

PhilHealth’s KonSulTa Program Reaches Zamboanga City Jail: Advancing Inclusive and Preventive Health Care

Editor June 17, 2025
Misamis-Drug-Free
  • Mindanao Post

Misamis Oriental town receives Balangay Seal of Excellence

Editor June 16, 2025

Trending News

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines Jeffrey-Navarro,-Country-Manager,-Visa-Philippines 1
  • Business

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines

July 1, 2025
Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements Singapore-Airline 2
  • Business

Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements

July 1, 2025
Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA Official-Artwork-for-PR2025-14 3
  • National

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA

July 1, 2025
Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage Michael-Harris-Conlin 4
  • Sports

Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage

June 30, 2025
Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore CKD1 5
  • Health

Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore

June 27, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.