
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Dec. 31, 2012) – Hindi alintana ng mga awtoridad at pamahalaang lokal ang nakaambang panganib sa mga residente matapos na sakupin ng isang ginagawang gusali ang malaking bahagi ng isang sidewalk sa downtown Zamboanga City.
Naging masikip ang naturang kalsada dahil sa kalye na mismo naglalakad ang mga residente bunsod ng panganib ng sakuna dahil sa mga sasakyan.
Hindi naman agad mabatid kung bakit ito pinayagan ng pamahalaan, ngunit talamak ang ganitong practise sa Zamboanga at ang katunayan ay ganito rin ang dinanas ng mga residente sa katatapos lamang na renovation ng isa pang kalapit na gusali.
Wala naman aksyon ang mga awtoridad sa naturang problema. “(Do) temporary construction sidewalk permit and overhang ring a bell?” sambit naman ni Councilman Cesar Jimenez bilang reaksyon sa naturang balita. (Mindanao Examiner)