
SULU (Mindanao Examiner / May 13, 2013) – Naging mapayapa ang halalan kahapon sa lalawigan ng Sulu maliban lamang sa 2 bayan ng Tongkil at Panglima Estino Na kung saan any nagkaupaakan ang mga supporters ng magkakalabang pulitiko, ayon sa pulisya.
Sinabi sa Mindanao Examiner ni Senior Superintendent Antonio Freyra, ang Sulu police chief, na nagkaroon ng sagupaan sa Panglima Estino na kung Saan ay 2 kandidato mula sa angkan ng Estino ang naglalaban bilang alkalde. Sa Tongkil naman ay nagpatigasan naman ang grupo ni incumbent mayor Wahid Sahidula sa katungali nito.
“There are fighting among warring politicians, but we are on top of the situation. We have deployed more policemen in those areas to prevent the escalation of violence,” and Freyra.
Hindi naman agad malaman mula kay Freyra kung ilan ang nasawi, ngunit ayon sa ibang ulat ay may mga nabaril na umano SA sagupaan.
Maliban doon ay maayos naman ang halalan sa ibang bahagi ng Sulu.
“Tahimik naman dito sa amin kung ihahambing mo sa ibang mga lugar sa Mindanao tulad na Lanao o Maguindanao o kaya sa Zamboanga,” ani Jumaira Abubakar, Na may-ari ng maliit na tindahan sa Maimbung.
May mga miyembro rin ng poll watchdog Parish Pastoral Council for Responsible Voting sa mga polling precincts sa Sulu at gayun rin ang Citizens for Change. May mga Marines at parak rin na nakabantay sa mga paaralan na kung saan ay ginawa ang halalan.
Ngunit sa lalawigan ng Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte provinces, at Zamboanga Sibugay sa Western Mindanao ay may mga ulat ng kaguluhan. sa bayannng Buug ay pinasabugan naman ang bahay ni Barangay of Sanlugan chairman Ruben Pefania, ngunit walang inulat na nasawi.
Sinabi naman ni Brigadier General Daniel Lucero, commander ng 1st Infantry Division, na nabawi nila ang ibat-ibang armas mula SA Buburay Elementary School sa bayan ng Dimataling sa Zamboanga del Norte. Natuloy naman doon ang halalan matapos na mabawi ng tropa ang mga armas.
Dalawang katao rin na sina Nonoy Aliansa at Dexter Calunsag binaril at napatay ng di-kilalang salarin sa Barangay Kahayagan sa bayan ng Bayog. Hindi pa mabatid kung dahil sa pulitika ang motibo sa krimen. (Mindanao Examiner)