KIDAPAWAN CITY – Isinugod sa pagamutan ang 28 mga estudyante matapos silang mahulog mula sa napatid na hanging bridge sa bayan ng Maco sa Compostela Valley province sa Mindanao.
Tinatayang nasa halos 15 talampakan ang taas ng hanging bridge sa Barangay Elizalde kung kaya’t marami sa mga estudyante ng Elizalde National High School ang sinasabing nabalian ng buto at ang iba naman ay nagtamo ng mga sugat sa kanilang katawan.
Bulok na umano ang naturang hanging bridge kung kaya’t bumigay ang kable nito kamakalawa. Hindi naman mabatid kung bakit walang tulay na naipatayo sa lugar ang lokal na pamahalaan o ang kongresista sa lugar.
Dinala sa Davao Regional Medical Center sa Tagum City ang mga sugatan. Nabatid na isinarado na ang hanging bridge, ngunit marami pa rin ang dumaraan doon. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper