COTABATO CITY – Timbog kahapon ang isang parak at kanyang asawa matapos na lusubin kahapon ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine Army ang isang bahay sa Cotabato City.
Armado ng search warrant ang mga operatiba at sudnalo ng pasukin ang naturang bahay na ginagamit umanong taguan ng mga shabu. Nabawi umano sa lugar ang halos 300 gramo ng ilegal na droga.
Hindi naman nakuha agad ang identipikasyon ng mga suspek, ngunit ayon sa ibang mga ulat ay may ranggong PO3 ang natimbog na parak na sinasabing nasa watch list ng PDEA.
Sa Maguindanao province at Cotabato umano nago-operate ang parak at ang asawa nito. Walang pahayag ang lokal na pulisya o ng Autonomous Region in Muslim Mindanao ukol sa pagkakasabit ng isang parak sa pagtutulak ng droga. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper