
DAVAO CITY (Mindanao Examiner / Apr. 12, 2012) – Binatikos ng militanteng grupo ang pagkakatalaga kay Army Maj. Gen. Jorge Segovia bilang bagong hepe ng Eastern Mindanao Command dahil sa umano’y kaliwa’t-kanan na human rights violations ng mga sundalo sa magulong rehiyon.
Si Segovia, na dating commander ng 10th Infantry Division, ang pumalit kay Lt. Gen. Arthur Tabaquero bilang bagong hepe ng naturang Command na may sakop sa kalahati ng buong Mindanao.
Sinabi ni Marie Enriquez, ang pinuno ng Karapatan human rights group, na ang promosyon ni Segovia ay malaking dagok sa isyu ng human rights sa Mindanao.
“The promotion clearly shows the government’s low regard for human rights and its insensitivity, if not outright callousness, to the demand for justice of victims of rights violations. Maj. Gen. Segovia was one of the respondents to the P15 million damage suit filed by the Morong 43 health workers for their illegal arrest, detention and torture under the Arroyo regime.”
“He is also among the ‘missing’ respondents who have yet to be served the court summons several months after such were issued by the Quezon City Regional Trial Court. The court server supposedly cannot locate the whereabouts of Segovia,” ani Enriquez.
Si Segovia ang commander ng Philippine Army na siyang dumakip sa mga umano’y health workers sa Morong, Rizal nuong 2010 na ayon sa militar ay mga kaanib ng rebeldeng New People’s Army.
Itinanggi naman ng 10th Infantry Division at ng Eastern Mindanao Command ang akusasyon ng human rights violations ng Karapatan. Sinabi ng militar na niri-respeto ng militar ang karapatan ng bawat mamamayan sa Mindanao. (Mindanao Examiner)