Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Uncategorized
  • Hilaw na mangga, bayabas kayo riyan!
  • Uncategorized

Hilaw na mangga, bayabas kayo riyan!

Editor December 17, 2013
Health-risk-copy

 Mga vendors sa labas ng Ateneo de Zamboanga University. (Mindanao Examiner Photo)

ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Dec. 17, 2013) – Dedma at hindi alintana ng mga vendors na ito ang peligro sa kalusugan ng mga estudyante na dulot ng kanilang maruming mga kamay sa pagbabalat at pagkakalkal ng manggang hilaw at bayabas na ibinibenta sa labas ng gate ng Ateneo De Zamboanga University dito.

Walang gamit na mga gwantes ang mga vendors sa paghawak ng mga prutas na ibinibenta at expose rin ito sa alikabok, usok, langaw at kung ano pang dumi na inililipad ng hangin sa kapaligiran. Pati ang mga sawsawan tulad ng toyo, bagoong at patis ay hindi rin sigurado kung malinis. Lantaran rin sa publiko ang kanilang maruming gawain.

At karamihan sa mga bumibili nito ay mga estudyante ng grade school, pati na rin ang mga nasa college at mga nakatambay sa labas ng unibersidad na nangangasim at naakit ng masarap na manggang hilaw. Talamak rin ang ganitong tanawin sa mga pampublikong paaralan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may mga nagbebenta ng kung anu-anong pagkain at sitserya sa labas ng tanyag na paaralan sa Zamboanga. Hindi naman mabatid kung bakit hinahayaan ito ng naturang unibersidad o kung alam ba ng pamunuan na may naglipanang ganito sa labas ng gate.

Seryoso ang banta sa kalusugan dulot ng marumi at kontaminadong pagkain at iba pa na madaling kapitan ng mikrobyo, bacteria, viruses na siyang nagdudulot ng mga sakit tulad ng diarrhea, pagsusuka at kung anu-ano pa. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Man stabs partner in Zamboanga City
Next: Zamboanga City teacher abducted

Related News

  • Uncategorized

Stop attacks if you want peace talks to resume, Palace to Reds

Editor December 16, 2019
  • Uncategorized

2 NPA rebels yield in South Cotabato

Chief Editor December 6, 2019
  • Uncategorized

Publiko pinagiingat sa mga ‘investment scheme’

Chief Editor November 21, 2019

Trending News

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress BLT-1 1
  • Business
  • Featured

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

May 22, 2025
Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025 PagIBIG-Housing-Loan 2
  • National

Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025

May 22, 2025
Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country Innovation-Day-2025-Schneider1 3
  • Business

Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country

May 21, 2025
Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs Marawi-IDP 4
  • Mindanao Post

Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs

May 21, 2025
DSWD aids Filipinos returning from Sabah DSWD-aids-Filipinos 5
  • Mindanao Post

DSWD aids Filipinos returning from Sabah

May 21, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.